(Uso advice, makiuso lang. :D) Advice ko sa mga Freshmen.

Ehem! Mike check. Check mike.

Incoming freshmen. Kamusta? Ha ha ha. Tingin mo ba tama ‘yung in-enroll-an mong course? Wala nang bawian ah. Ha ha ha.

Ok, seryoso na.

Sa dami nang kumakalat na pananakot sa FB, Twitter, at Tumblr tungkol sa hirap ng accounting… sabihin na nating totoo nga, pero ‘wag kayong masyadong matakot kasi nakakasiguro naman akong lahat naman ng course may kaniya-kaniyang hirap—di lang naman accountancy. Ang kaibahan lang naman sa ‘tin eh may retention policy sa ‘tin kaya nakaka-pressure.

Anyways, ang sabi ng marami, kailangan mong magaling ka sa math kung gusto mong mag-accounting; ang sabi ko naman… “hindi naman!” Siguro, medyu-medyo lang. Sabihin na nating magaling ka sa arithmetic, pero other than that… wala na. Hindi mo naman kailangang maging bihasa sa calculus, trigonometry, geometry, at statistics; siguro onting algebra lang, para sa higher accounting, pero basta may calculator ka, buhay ka na eh. Sabi nga ng prof ko noon, pakasalan na daw namin ang calcu namin kasi ayan na makakasama namin hanggang sa hukay. Too harsh, pero ayun yun eh.

Tsaka dapat ma-develop mo ‘yung logic mo, kasi puro analyzing gagawin mo all throughout. “Para sa’n kaya ‘to?”, “Pa’no ko kukunin ‘to”, “Ano kayang kulang?”, “Ano kayang hinahanap”, et cetera. Dapat tatanungin mo lagi sa sarili mo ‘yan. Kasi kung hindi, hindi mo talaga masasagot ‘yung tanong.

Kung matatandaan mo noong elementary ka, kapag nagsasagot ka ng word problem, di ba kailangan alam mo ‘yung what is asked, what is given, what operation(s) is/are to be used, etc. Gagawin mo ulit ‘yun. Mama-master mo nga siya actually nang di mo namamalayan. Ang kaso lang naman sa accounting problems, mas komprehensibo, medyo obscure, kailangan mo talaga ng malalim na pag-iisip. Di na uso ‘yung katulad sa high school na ‘pag medyo mahaba ang problem, itsepwera na sa mata mo, manghuhula ka na lang. Hmp! Dami-daming salita. Dami-daming sinasabi, isa lang naman sagot. Pahihirapan mo pa ‘ko, pwede naman hulaan na lang. Di na uso ‘yun ganoon ngayon. Magugulat ka na nga lang limang paragraph ‘yung problem, tas may statement of account pang kasama… o ansabe?!

Next, iwasan na natin ‘yung pagiging madamdamin. Hindi naman arts and theaters ‘yung course natin eh, di rin naman tayo nag-aartista, iwasan na. Kasi kung masyado tayong madamdamin, di tayo tatagal sa accountancy. Maraming nag-aalisan sa ‘min kasi masyado nilang dinamdam ‘yung mga failures nila. Kaya, instead of being emotional, when you commit mistakes, be stronger. Parang kaming magkakaklase; gan’to yung eksena.

Me: Pumasa ka [sa exam] sa accounting?

Classmate: Hindi eh (nakangiti ng malaki). Ikaw?

Me: Hindi rin e. (Sabay tawanan lang kami)

Take note, mga dean’s listers pa kami niyan. Parang wala lang. Hindi mo naman kailangang ipasa lahat ng exam mo sa accounting, kailangan mo lang naman, galingan mo sa susunod.

May maganda akong quote na ise-share sa inyo…

If get off to a bad start, don’t worry it’s the finish not the start that counts.” – Edge Keynote

Favorite quote naming magkaklase ‘to. Seryoso.

Sunod, mahalin mo si Accounting! Ilagay mo sa puso’t isipan mo si Accounting! ‘Pag narinig mo na ang pangalan ni Accounting, kabahan ka na! Ha ha ha.

Mag-aral! Sabi ng mga exaggerated kong seniors, dapat daw advance reading kami ng dalawang chapter. Sabi ko naman, aral lang kayo sa bahay hanggang doon sa makakaya niyo. Huwag mong pilitin, magdudugo… ang utak. Ha ha ha.

Isa pa, huwag mong kalimutan ‘yung social life mo, basta piliin mo lang. Piliin mo ‘yung magbibigay sa ‘yo ng inspirasyong mag-aral. ‘Yung makakasama mo lagi sa isang tabi para buklatin ang libro. Makakasama mo sa bahay para gumawa ng assignment sa accounting at maka-group study. Join organizations, for example. Maraming organizations sa school niyo, panigurado—makakatulong sila sa pag-aaral mo. Actually merong sariling org ang accountancy, JPIA, sali kayo. Malaking matutulong nila sa inyo—both social and academic. May buhay ka rin, dapat mo ring ikasaya ‘yon. Bigay sa ‘yo ‘yan, huwag mong kalimutan.

Last but not the least, “Pray hard, it works!” – Ex-Mayor Recom Echiverri (LOL). Kung talagang di mo maiwasang damdamin, talk to Him. Nakikinig naman Siya sa ‘yo eh, try mo lang. Kung kailangan mo ng guidance for your departmental exams sa accounting, pray lang. Pero syempre, mag-aral pa rin tayo. Sabi nga nila, “nasa tao ang gawa, nasa Kaniya ang Awa.” Tayo pa rin ang gagawa ng bagay para sa buhay natin, so magsumikap pa rin tayo, huwag lang lagi tayo antay ng grasya.

So good luck. Sana natulungan ka ng post na ‘to. God Bless. And, be a CPA!!

@22 hours ago with 5 notes
#tumblraccountants #BSA #freshman #accounting #accountancy 
@1 week ago with 7 plays
#Lawson 
@1 week ago with 1 play

The awkward moment when you found out that your wife/girlfriend is pregnant and you both do hall pass…

That’s bad.

@2 weeks ago
#antiHallPassMovement #HallPass #Awkward #AwkwardMoment 

Love is not blind, it can see clearly what is good and what is bad, but because of too much love, it just see what is good and ignore what is bad. :)

What is good. What is bad. Ano daw? :D

@2 weeks ago
Throw back from last summer. Tagal na neto amf hahaha

Throw back from last summer. Tagal na neto amf hahaha

@5 days ago
@1 week ago

What if geniuses and brilliant mindeds didn’t exist; what kind of world would we have now?

@1 week ago
#WhatIf 

Ang Pinakamarangal na Trabaho sa Lahat.

Kung tatanungin tayo na Pilipino, lalo na sa mga nagsisipag-aral pa lamang ng kolehiyo, kung ano bang trabaho ang gusto nating pasukan; malamang, ang sasagutin natin maging manager,  CEO, supervisor, politiko, lahat ba ng matataas na posisyon—ika nga eh mga trabahong ikararangal ang buong pagkatao mo.

Pero kung bubusisiin nating maiigi; ano ba talaga ang pinakamarangal na trabaho; manager ba, politiko? Sa tingin ko, hindi. Maraming pwedeng ibanggit na halimbawa gaya ng mga nasabi pero hindi ba masyadong makasarili ang mga trabaho na iyon; nandoon ang pera, kapangyarihan, kasikatan,at kung anu-ano pa.  Paano naman iyong iba na salat sa pera, kapangyarihan, at kasikatan? Hindi na ba natin masasabing marangal ang mga trabaho na iyon? Pag-isipan natin minsan.

Gaya na lamang ng security guard. Hindi niyo ba alam na dapat na nating parangalan ng sobra-sobra sina mamang guard at ateng guard? Kung tutuusin nga dapat sila ang pinakapinararangalan. Ito ‘yong mga dahilan…

1. Nakabaon na sa lupa ang isang paa nila. Alam naman na natin na buwis-buhay talaga ang trabaho ng security guard. Maghapun-magdamag nga kung hawakan ang shotgun at batuta, at parang laging ready-to-fight sa mga masasamang-loob. Hindi man laging sobrang handa makipagbarilan, pero handa naman silang magbuwis ng buhay para lang mabuhay ang pamilya.

2. Masakit man, handang hindi umuwi ng ilang araw para may makain lang. Sa isang ama o ina, hindi man nating sobrang pansin, pero sobrang hirap na hindi makita ang pamilya habang ikaw ay pagud na pagod na sa katatrabaho. Pero ano ba naman sila kung iwanan nila ang paggagwardya; makakasama na nga nila ang pamilya nila, namimilipit naman sila sa gutom. Nagsasakripisyo na lang sila.

3. Sa hirap-hirap ng trabaho, kulang pa din. Kahit na sobrang rangal at hirap ng trabaho nila, hindi pa rin sila nabibigyan ng sahod na sapat para sa pamilya nila. Kung tutuusin nga parang minimum wage earners lang sila pero nasa kanila ang pinakamahirap na trabaho. Minsan hindi talaga balanse ang mundo.

4. Sunud-sunuran sa kung sino’ng nakatataas. Masunurin naman talaga ang mga security guards. Lahat na nga ata ng iniutos sa kanila mabilis nilang ginagawa. Kahit nga mautusan lang siya ng customer ng isang supermarket, ginagawa nila. Maginoo ba sa ibang salita. Iyong tipong kahit alam na nilang mali, susundin pa rin nila dahil iyon ang trabaho nila.

5. At ang pinakahuli pa at pinakapaborito ko sa lahat, palakaibigan at handang makinig. Kung minsan, kung wala kang makausap, mag-isa, kausapin mo lang si mamang guard makikipag-usap na sa iyo iyan. Kahit love-life nga eh handa siyang makialam. Kunwari na lang sa opisina, sasaluduhan ka niya, tatawagin ng sir/ma’aam kahit hindi kayo magkakilala sa pangalan. Sa school, bibiruin ka niya kahit hindi pa kayo nagkikita. Marami pang halimbawa. Tutulungan ka niya kung may kailangan kang buhatin sa sasakyan niyo. Sasagutin ka niya kapag nagtanong ka ng direksyon. Ilan lang iyan, sobrang dami pa talaga.


Lima lang ang kaya kong ibigay na dahilan para talagang i-justify na talagang pinakamarangal ang pagiging security guard. Sa tingin ko nga marami pa kayong kayang ibigay pa maliban sa mga nabanggit. Mari-realize niyo rin, “tama kaya iyong trato ko sa mga security guards; masyado ko ba silang nayurakan?”

Actually iyong ibang nabanggit ko ay malamang hindi kasama sa pinirmahan nilang kasunduan ng pumasok sila sa trabaho. Kung baga, kusa na lang nilang ginawa sa sobrang dangal ng trabaho nila.

Kahit wala ng awarding ceremony para sa mga security guards, ngayon pa lang sana parangalan na natin sila ng sobra-sobra. Hindi man silang lahat makatanggap ng medalya o kahit anong reward, sana man lang kahit kaunti eh pasalamatan natin sila at idangal at huwag na huwag nating tapakan ang kanilang pagkatao.

@2 weeks ago